Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga paraan upang maiwasan na magbangayan kayong mag-asawa sa panahon ng Pasko. Dahil sa stress na dulot ng panahon ng Pakso, hindi nakapagtataka kung nangangati tayong balibagin ang ating asawa dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa iyong gusto. Ngunit huwag mo namang balibagin ang asawa mo sa ngalan ng Pasko. Upang maiwasang sumabog ang iyong ulo sa galit sa iyong partner in life, may ilang advice ang mga expert nang hindi kayo magsuntukan sa Pasko.
Ang ugat ng pag-aaway: Pakiramdam mo, ikaw na lang bumalikat ng lahat ng gawain para sa pagdiriwang ng Pasko – ang pamilili ng pang-Noche Buena, mga regalo pati na ang pagbabalot ng mga ito, pagluluto, pagtawag sa mga kamag-anak, pagpunta sa bangko para mag-withdraw, atbp, at babalingan mo ng sama ng loob ang iyong asawa.
Paano maiiwasan na magbatukan kayo: Utusan mo ang iyong asawa; sapagkat kung hindi, malamang na hindi niya alam kung ano ang gagawin. Gawin mong positibo ang pag-uutos sa kanya, halimbawa, “Gusto ko sanang maging bongga ang Noche Buena natin kaso wala akong time pumunta sa supermarket para bumili ng iba pang ingredient, puwedeng ikaw na ang bumili para sure?” Mahalaga na mapag-usapa ninyo kung sino ang gagawa ng kung anong tungkulin malayo pa lang ang Pasko upang sa gayon ay mahati ninyo ang trabaho sa inyong dalawa.
Hindi ninyo kailangang magsuntukan, magtadyakan, magsampalan, magsakalan sa Pasko kung bukas lamang ang isa’t isa sa maayos na komunikasyon. Maraming bagay ang nakapagpapainit ng ulo ngunit kung papatulan natin ang sarili nating karupukan sa pagharap sa mga problema, totoo ngang mauudyukan natin ang pag-aaway. Siyempre, ayaw naman nating makita ng ating mga inaakak na Paskung-Pasko ay magkadikit ang ating mga kilay sa galit.
Ang Pasko ay dapat maging tigib ng pagmamahalan at pag-uunawaan. Nangangahulugan ito ng matibay na samahan ng pamilya.
Maligayang Pasko!