Kahit paano ay magiging maganda darating na Pasko at maging ang pagtatapos ng taon para sa koponan ng MJM Builders matapos nilang maipanalo ang kanilang huling laro kahapon para sa 2014 ng ginaganap na PBA D-League Aspirants Cup matapos pataubin ang nakatunggaling Wangs Basketball, 79-64, kahapon sa Marikina Sports Complex.

Mula sa 7-0 na panimula, hindi na lumingon pang muli ang Builders upang maangkin ang tagumpay na nag-angat sa kanila sa barahang 2-6, panalo-talo.

`Ini-encouarge lang namin ang mga bata kasi alam naman namin na mayroon naman talagang ilalabas,`` pahayag ni Builders assistant coach Eric Gonzales na pansamantalang umupo bilang coach dahil wala ang headcoach na si Nash Racela na mayroong ensayo kahapon para sa Talk `N Text sa PBA.

``Sinabi lang namin na hindi ito gaya sa UAAP, dito kailangan nyong magtrabaho talaga ng husto lalo kung may ambisyon kayo na makapag -PBA dahil ito ang magiging tulay nila para makarating sa mas mataas na liga,`` dagdag pa ni Gonzales.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Pinangunahan ni Cris Tolomia ang nasabing panalo sa kanyang itinalang 15 puntos , 5 assists at tig-isang rebound at steal habang nag-ambag naman Carl Cruz ng 10 puntos at 6 na rebounds.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Wangs na bumagsak sa barahnag 2-5 si Jawhar Purdy na nagtala ng 12 puntos kasunod si Jeff Morillo na may 11 puntos at 10 rebounds.