Nasa heightened alert ang mga tauhan ng South Luzon Expressway (SLEx) bilang paghahanda sa sabaysabay na pag-uwi ng mga biyahero mula sa Metro Manila patungo sa iba’t ibang probinsiya ngayong holiday season.

Dahil sa inaasahang holiday exodus ng mga pasahero, mas mabigat ang trapiko ang tiyak na mararanasan ng mga biyahero na papunta sa mga probinsiya ilang araw bago ang Pasko.

Gayunman, handa ang pamunuan ng SLEx na ayudahan ang publiko sa pamamagitan ng inilagay nitong assistance centers sa mga istratehikong lugar.

Tiniyak din ng SLEx na sapat ang tauhang nakatalaga sa mga toll booth para serbisyuhan ang mga motorista na babagtas sa naturang highway.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahan nang magsisimulang magsisiuwian sa probinsiya ang mga pasahero simula ngayong Sabado upang doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ang SLEx ay nagsisimula sa Alabang viaduct sa Muntinlupa City hanggang sa Santo Tomas, Batangas.

Kamakailan binawi ng pamunuan ng SLEx ang hirit nito sa Toll Regulatory Board (TRB) na magtaas ng singil sa toll sa Enero 2015 na mistulang maagang regalo o aginaldo naman sa mga tumatangkilik dito.