GENERAL SANTOS CITY - Inaresto ng pulisya ang isang magsasaka na pumatay sa sariling ama kasunod ng matindi nilang pagtatalo sa Tantangan, South Cotabato, nitong Lunes.

Kinilala ng hepe ng Tantangan Police na si Supt. Rick Medel ang suspek na si Romeo Buhat, na pinalo ng baril ang 70-anyos niyang ama na si Florentino Buhat sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dumadalig, Tantangan.

Nabatid ng pulisya na usapin sa lupa ang pinag-awayan ng mag-ama.

Naaresto ang suspek at kinasuhan na ng parricide. (Joseph Jubelag)

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez