Kinukulit ako ng isang senior jogger kung sino raw ba iyong sikat na TV broadcaster na dahil sa labis na pagda-diet o pagpapababa ng timbang, siya ngayon ay napakapayat, parang natutuyo at ang mga kamay ay halos buto at ang mga siko ay nakausli na. Malayung-malayo raw sa dati niyang anyo na kahali-halina at larawan ng kalusugan. Sabi ko sa kanya: “Manood ka na lang ng mga balita kung hapon sa TV at nang malaman mo.” Sino siya? Dagdag ko pa: “Sa CNN, ang napapanood kong TV broadcaster na payat dahil natural namang payat, ay si Kristine Lu Stout.” Ang binabanggit ng kaibigan kong jogger ay isang TV broadcaster sa Pilipinas. Sino nga ba siya?

Ano kaya ang dahilan kung bakit laging mababa ang preference at approval ratings ni DILG Sec. Mar Roxas sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station gayong wala namang mga alegasyon ng kurapsiyon laban sa kanya kumpara kay Vice President Jejomar Binay? Masipag naman sa pagtatrabaho at laging kasama ni PNoy sa mahahalagang okasyon. Noong nananalasa ang Typhoon Ruby, siya ay nasa Eastern Samar, nag-iinspeksiyon at tumutulong sa rescue operations sa mga biktima.

Lumabas pa nga sa social media ang pagsemplang niya sa motorsiklo nang walang helmet sa isang lugar sa Samar habang nag-iinspeksiyon. Sabi nga ni kaibigang columnist Mon Tulfo, sa halip na purihin o makakuha ng simpatiya, napakalupit ng mga netizen at kritiko. Binatikos pa si Mar Roxas na nagtatrabaho naman!

Ano kaya ang “magic” ni Sen. Grace Poe at patuloy sa pagtaas ang kanyang ratings sa mga survey ng SWS at Pulse Asia gayong hindi naman nag-aambisyon sa panguluhan? Naisalin kaya ng yumaong ama na si FPJ ang kanyang karisma, ang puwersa ng “Panday”, ang hatak nito sa masa? Si FPJ na tumakbo noong 2004 presidential elections ay dinaya raw, at namatay na broken-hearted kung kaya hanggang ngayon ay hindi ito malimutan ni Sen. Grace.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina