Zanjoe at Jana Agoncillo

LOS ANGELES, CALIFORNIA -- Grabe, Bossing DMB, talk of the town dito sa Amerika ang Dream Dad nina Zanjoe Marudo at Jana Agoncillo na napaka-heartwarming daw at nakukyutan sila sa bagets.

Pero hindi lang Dream Dad ang sinusubaybayan ng mga kababayan natin dito, pati na rin ang Bagito, Forevermore, Gandang Gabi Vice, ASAP at Kris TV.

Tinanong kami ng mga nakausap namin kung talagang mabait si Zanjoe dahil base raw sa napapanood nila saDream Dad ay ang cool-cool niyang tao. Sinabi naming okay ang aktor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Itinanong din sa amin kung totoong naghiwalay sila ni Bea Alonzo dahil kalat daw dito na talagang nagkaproblema sila.

Sinabi namin na nagkaproblema pero hindi naman humantong sa hiwalayan dahil kaagad namang inayos ng magdyowa, at inamin din naman ng dalawa na kawalan ng oras ang isyu nila, pero adjusted na raw sila.

In fairness, boto ang mga taga-Amerika kina Zanjoe at Bea dahil bagay daw sila, guwapo at maganda na sinang-ayunan namin.

Malinaw na hindi lang sa Pilipinas big hit ang Dream Dad, maging dito rin. Last November, ito ang naging No. 1 sa Top 15 TV programs.

Sa ratings ng Kantar Media, nakuha ng Dream Dad ang pinakamataas nitong ratings na  32.2% na doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na More Than Words (16%).

 “Nakakataba ng puso at nakakatanggal ng pagod ‘yung suporta na ibinibigay ng mga tao sa amin. Masayang-masaya ako para sa lahat bumubuo ng Dream Dad, lalo na para kay Jana dahil isa siya sa inaabangan ng viewers gabi-gabi,” sabi ni Zanjoe, na gumaganap bilang si Baste, ang “Mr. President” ng batang ulila na si Baby (Jana).

“Suwerte kami na si Jana ang napili na gumanap bilang Baby dahil perfect talaga siya para sa role. Bilib ako sa kanya kasi kahit na madalas kaming maglaro sa set, handa siya lagi tuwing magkakaeksena na kami. Memoryado niya lahat ng mga linya niya at napakanatural niyang umarte,” dagdag pa ng actor na nagkuwento ring mas marami pang feel-good moments na dapat tutukan ng mga manonood sa pagpapatuloy ng kuwento ngDream Dad.

“Nagsisimula pa lang ang lahat para kina Baste at Baby. Dapat abangan ng viewers kung paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating sa kanilang buhay nang magkasama at kung paano nila tutulungan ang isa’t isa na marating ang kanilang mga pangarap,” say ni Zanjoe.