BACOLOD CITY- Hindi lamang ang mga batang atleta na nagpakita ng husay at talento sa Palarong Pambansa ang kinukuha ng mga de-kalidad na unibersidad at kolehiyo kundi maging ang mga papausbong at kinakikitaan ng mga natatagong galing ang minamataan sa Batang Pinoy na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang napag-alaman mismo kay Batang Pinoy Commissioner-In-Charge at PSC Commissioner Atty. Jose Luis Gomez na aniya’y isang malaking oportunidad sa taunang Batang Pinoy para sa mga kabataang atleta, partikular sa mga mahihirap na pamilya na hindi kayang magbayad sa de-kalidad na edukasyon o tumuntong sa kolehiyo.

“Many of them have now scholarship offers coming from different colleges in Manila,” pagmamalaki ni Gomez.

“Hindi naman sa pagmamalaki sa programa but the Batang Pinoy has really help in the development of our young athletes and some of them had even represented the country and had trained abroad,” sinabi pa ni Gomez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ilan sa tinukoy ni Gomez ay ang mga atleta na mula sa Leyte Sports Academy (LSA) na pawang 15-anyos na sina Karen Janario at Faiza Mae Lenton na kapwa kumulekta ng tig-tatlong gintong medalya at nakatakda pang lumahok sa tig-dalawang event kahapon sa athletics para sa inaasam na limang gintong medalya.

Nagwagi naman si Janario, sariwa sa pagkubra ng 2 pilak at 2 tanso sa ginanap na 6th ASEAN Schools Games, sa 100m dash (14.80s), 100m hurdles (12.53s) at mula sa 4-x100 relay kasama sina Justine Mae Catindoy, Lenton at Gemmalyn Pino upang maging kandidato sa mga maraming napanalunang gintong medalya.

Binura naman ni Lenton, napasama sa ginanap na athletics training camp sa Qatar, ang Palaro record breaker na si Anjelica de Josef ng LEZO Aklan sa 400m girls finals upang maidagdag sa kanyang panalo sa 1,500m run at 4x100m run.

Matatandaan na sina Janario at Lenton ay kasama noon sa mga kabataang atleta na sinasanay sa iba’t ibang sports nang tamaan ng bagyong ‘Yolanda’ ang Tacloban, Leyte at kinailangan munang ampunin ng PSC sa loob ng halos isang buwan upang makabawi sa masamang ekspiriyensa at sa tinamong sakuna ng probinsiya.

Ilan pa sa nakapag-uwi ng medalya ay ang unang gold medalist sa athletics na si James Galima ng Candon National High School na nagwagi uli sa 1,500m run, gayundin si Gianelli Batingan ng Taguig na namayani sa girls triple jump upang idagdag sa unang napagwagian medalya sa long jump.

Samantala, sa boxing, apat na pambato ng Cagayan de Oro, Mandaluyong at Lambangan, General Santos ang tumuntong sa kampeonato habang may tatlo sa Mandaluyong, dalawa sa Cebu, LSA, Escalante, Panabo at GenSan at tig-isa sa Bago, NegOcc, Bacolod at Parañaque.

Kabuuang 13 ginto naman ang iniuwi ng Baguio City sa wushu habang kasalukuyan namang isinasagawa ang kampeonato sa taekwondo, softball, sepak takraw, rugby football, dancesports at chess.