ISANG dating sexy actor ang inaresto nitong nakaraang weekend nang makunan ng mga pulis ng transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang ‘shabu’sa isang checkpoint sa Quezon City.

Kinilala ni Police Supt. Wilson de los Santos, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 7 (PS-7) sa Cubao, na si Anton Bernardo, 39, residente ng New York Mansion na matatagpuan sa No. 84 Annapolis St., Barangay E. Rodriquez, Quezon City.

Ayon kay De Los Santos, kabilang sa mga item na nakuha sa suspect ang itim na plastic pen, isang piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang naglalaman ng ‘shabu’, isang maliit na plastic heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tatlong piraso ng thin strip rolled aluminum foil, dalawang piraso ng gamit nang thin rolled aluminum foil na ginamit bilang pipe o tooter at isang piraso ng gamit nang strip aluminum foil na may traces ng white crystalline substance na hinihinalang ‘shabu’.

Sinabi ni De los Santos na batay sa reports na kanyang natanggap, si Bernardo (Laurence Mendres sa tunay na buhay) ay inaresto ng 5 a.m. sa Main Avenue corner 7th Anevue, Barangay Socorro, Quezon City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi rin niya na bago inaresto ay pinatigil si Bernardo sa naturang lugar ng mga operatiba mula sa istasyon sa pamumuno ni Inspector Ramon Aquiatan na nagsasagawa ng checkpoint. (Francis Wakefield)