PAGKATAPOS magpaalam sa mga bossing ng ABS-CBN ay binawi pala ni John Prats ang desisyong umalis sa Dos para lumipat sa GMA-7.
Ang kuwentong nakarating sa amin, bagamat hindi pa naman napaplantsa ang magiging kontrata sana ni John sa Siyete ay ipinagkakalat na agad ng kampo niya ang gaga wing paglipat.
Siyempre, dahil hindi naman matatawag na "big star" ang isang John Prats ay walang kahirap-hirap siyang pinakawalan agad ng mga bossing ng Kapamilya Network.
Sey ng source namin, pati nga raw ang mga executive na namamahala sa mga sinasamahang show ni John ay wala raw ni isa mang pumigil sa plano niyang paglipat.
Saka naman biglang may lumabas na isyung hindi raw yata nagkatuluyan ang negosasyon ng kampo ni John at ng lilipatang network. A yun sa informant namin, hindi raw nagustuhan ni John ang kontratang inilatag sa kanya ng ng Kapuso Network.
"Sa pagkakaalam namin, eh, per project lang ang gagawin niya at hindi siya kinuhang exclusive talent ng Siyete," sey pa ng source.
So, balik Dos o back to the barracks si John, huh!