ALEX Gonzaga

MASAYANG-MASAYA si Alex Gonzaga na sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN ang TV project na Inday Bote na dating pinagbidahan ni Maricel Soriano.

Kuwento ng dalaga, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman na pagkatapos ng series of meetings ay sa kanya napunta ang proyekto.

Pero kasabay ng kasiyahan ang sobrang kaba at pressure.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Siyempre kakabahan ka rin dahil ang hirap nu’n, ‘yung original talaga is si Ms. Mariel Soriano, Diamond Star. Pero kapag inisip ko ‘yun, baka forever na lang ako ma-pressure. Ayaw ko na lang isipin,” napatawang banggit ni Alex.

Aminado si Alex na tagahanga siya ni Maricel.

“Sa totoo lang, dati pa kasi nanonood ako nu’ng mga sitcom niya dito sa ABS-CBN. Sana, if given a chance, eh, gusto ko talaga siyang ma-meet in person,” banggit pa ng kapatid ni Toni Gonzaga.

Maituturing na classic Maricel Soriano movie ang Inday Movie na hinalaw sa nobela ng batikang si Pablo S. Gomez, na tomboy ang bida. Hindi pa ito inabot ni Alex kaya hindi pa niya napapanood ang pelikula.

Gusto niyang magkaroon ng movie pero may nagpayo sa kanya na huwag na muna niyang panoorin dahil ibang-iba naman sa istorya ng movie ang gagawin niya sa TV.

Sina Kean Cipriano at Matteo Guidicelli ang magiging leading men ni Alex Gonzaga sa Inday Bote na malapit nang umpisahan ang taping.

“Sobrang excited namin kasi yung mga kasama ko dito, nakasama ko noon. Story conference pa lang, ang saya-saya na namin. I like them, I like bonding with them. Friends ko talaga sina Matteo and Kean. Very comfortable kami, hindi na ‘yung parang nagkakailangan sa una,” lahad pa ni Alex.