STO. TOMAS, Batangas – Hindi na nagising ang isang mister matapos siyang mawalan ng malay nang madulas sa sementadong kanal dahil sa pag-iwas sa silyang ibinato sa kanya ng nakaaway niya sa inuman sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roberto Narvaez, alyas Bitoy, 49, construction worker, ng Barangay San Vicente, Sto. Tomas.

Nakatakas naman ang suspek na si Edward Eslige, alyas Pango.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Gualberto Salazar Jr., nag-report sa pulisya noong Disyembre 3 ang asawa ng biktima na si Armelita Narvaez tungkol sa pagkamatay ng mister.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ayon umano sa ginang, nag-iinuman ang suspek at biktima noong Nobyembre 30 sa Bgy. San Roque nang mag-away ang mga ito sa mikropono.

Iniwasan umano ng biktima ang silyang ibinato ni Eslige kaya nadulas ang una at tumama ang mukha sa semento.