Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Miyerkules na ang 107 military peacekeepers na kamakailan lamang ay nagbalik mula sa deployment sa Liberia na tinamaan ng Ebola ay binigyan ng clean bill of health matapos makumpleto ang kanilang 21-day quarantine sa Caballo Island.

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, AFP public affairs office chief, na ang tropa ay pumasa sa medical screening na ginanap sa AFP Medical Center (AFPMC) sa Quezon City.

“Our peacekeepers departed Caballo Island around 12 noon Tuesday, they arrived at Sangley Point about 6:30 p.m.. They were met by officers of Joint Task Force Liberia led by Capt Luz Camacho,” sabi ni Cabunoc.

Mula sa Sangley Point, isinakay ang tropa sa mga militar bus patungong AFPMC, kung saan sila sumailalim sa medical screening.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Lahat ng 107 tropa ay nasuring malinis sa anumang sakit o karamdaman, pagbubunyag ni Cabunoc, idinagdag na ang medical screening ay standard procedure para sa lahat ng nagbabalik na Filipino peacekeepers. (Elena L. Aben)