Disyembre 1, 1891, nang maimbento ni physical education instructor na si James Naismith ng Young Men’s Christian Association International Training School (ngayon ay Springfield College) ang basketball, na isa sa pinakasikat na isports.
Nilikha at sinulat ni Naismith ang 13 patakaran ng basketball, at naitatag ang University of Kansas basketball program. Unang sinubukan ang paglalaro gamit ang bola ng soccer at dalawang basket ng prutas, kung saan ginamit upang makapuntos at itinayo ng may taas na 10 talampakan. At ang sukat ng paglalaruan ay kalahati lamang ng karaniwang sukat ng buong court sa kasalukuyan.
Taong 1904, ang basketball ay kinonsiderang Olympic demonstration sport, at noong 1936, naging opisyal ang paglalaro sa Summer Olympics sa Berlin. Nagsimula noong 1938 ang National Invitation Tournament, at noong 1939, nang maipakilala ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Men’s Division I Basketball
Championship.