Ipinagdiriwang ngayon ng buong mundo ang St. Andrew’s Day, na pambansang araw ng Scotland. Noong 2006, itinalaga ang St. Andrew’s Day bilang pisyal na bank holiday. Sa araw na ito mayroong mga piging, musika, sayawan, at ceilidhs (mga tradisyonal na Gaelic na pagtitipon). Matatagpuan sa silangang bahagi ng Scotland, ipinagdiriwang ng lalawigan ng St. Andrew ang kanilang kapistahan ng kanilang patron sa loob ng isang linggo, sa musika, pagtatanghal sa teatro, at sayawan.

Si St. Andrew ang patron ng Scotland na nagpalaganap ng mga aral ng Kristiyanidad sa buong Asia Minor at Greece. Ayon sa tradisyon, pinatay si St. Andrew ng mga Roman sa Patras, Southern Greece sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Ang diagonal na hugis ng krus na ito ay siansabing basehan para sa Cross of St. Andrew na nakalarawan sa bandila ng Scotland. Si St. Andrew rin ang patron ng Russia, Ukraine, Romania, Greece, ng Ecumenical Patriarchate of Constantinople, at ng Saint Andrew, Barbados.

Ang Scotland ay isa sa mga bansang bumubuo ng United Kingdom (UK), kabilang ang Wales, England, at Northern Ireland. Gayong bahagi ng UK, ang legal system ng Scotland ay nananatiling hiwalan sa England, Wales, at Northern Island. Kaya ang Scotland ay saklaw ng public at public international law. Ang tuluy-tuloy na kalayaan ng Scottish law, ang Scottish education system, at ang Church of Scotland, ay ang tatlong haligi ng kultura at pagkakakilanlan ng naturang bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Scotland sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan, Queen Elizabeth II, at Prime Minister David Cameron, sa okasyon ng kanilang St. Andrew’s Day.