Ipinagdiriwang ngayon ang Pambansang araw ng albania na gumugunita sa kalayaan nito mula sa limang siglong Ottoman rule noong 1912. ang pista opisyal na ito ay taun-taong ipinagdiriwang sa loob ng albanian community bilang “Flag Day”.
Ang albania ay nasa hangganan ng Greece sa timog, at timog-silangan, Montenegro sa hilaga-kanluran, Serbia sa hilaga-silangan, at Republic of Macedonia sa silangan. Bahagi ng karagatan nito ang adriatic Sea sa kanluran at Ionian Sea naman sa timog-kanluran. Tirana ang kapital at pinakamalaking lungsod ng albania. Nasa mahigit tatlong milyon ang populasyon ng naturang bansa.
Ang Albania ay isang upper-middle-income economy na nag-eempleo ng 58% ng labor force na nag-aambag ng mahigit 21% sa Gross Domestic Product (GDP). Nangungunang producer ang bansa ng wheat, figs, corn, tobacco, at olives. Coal, bauxite, copper, at iron ore ay ilan lamang sa likas na yaman ng bansa. ang bahagi ng turismo sa GDP ay lumalago dahil sa pagdami ng mga panauhin mula sa mga bansa sa Europe taun-taon.
Ang Albania ay miyembro ng iba’t ibang regional at international organization tulad ng United Nations, ng Organization for Security and Co-operation in Europe, ng Council of Europe, ng World Trade Organization, ng Organization of the Islamic Conference, at ng Union for the Mediterranean. Mula nong Hunyo 2014, opisyal na kandidato ang bansa para makapaslok sa European Union.
Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of albania sa pangunguna nina Pangulong Bujar Nishani at Prime Minister Edi Rama, sa okasyon ng kanilang Pambansang araw.