DAGUPAN CITY, Pangasinan – Kumpiyansa si Region 1 Medical Center Director Roland Mejia na handa ang ospital sa Ebola virus.

“The hospital management of Region 1 Medical Center is ready for any untowards incident. R1MC is the only tertiary hospital in Pangasinan and certified ISO outside Metro Manila,” ani Mejia.

Kinumpirma niyang tinanggap sa R1MC ang 27 hinihinalang kaso ng MERS COV Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus noon at napagaling ang lahat ng pasyente.

Sa kaso ng Ebola, tiniyak ni Mejia na handa ang ospital; mayroon na itong isolation room, mga sinanay na tauhan at kumpleto na rin sa mga protective equipment. - Liezle Basa Iñigo

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho