Iginawad sa Ayala Land at Manila Water ang una at ikalawang pwesto sa Channel News Asia (CAN) 2014 Sustainability Rankings.

Dahil sa malinis at ligtas na tubig para sa may 1.7 milyong residente ay kinilala ng CAN ang programa ng Manila Water na “Tubig Para Sa Barangay”, na sinimulan noong 1998.

Bilang isang regional benchmark at pamantayan ng corporate sustainability performance, ang Channel NewsAsia Sustainability Rankings ang pumipili sa pinakamahuhusay na kumpanya mula sa 100 publicly-listed company sa Asia na may di matatawarang sustainability program portfolio.

Kabalikat ang Sustainalytics sa larangan ng pagsisiyasat ng Channel NewsAsia Sustainability Ranking, nagbibigay din ito ng impormasyon tungkol sa kalikasan at lipunan sa pamamagitan ng Sustainalytics’ Global Platform.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Setyembre 16, 2014 ito unang inilunsad sa ika-10 anibersaryo ng CSR Asia Summit sa Hong Kong na dinaluhan ng mahigit 500 delegado mula sa 31 bansa. - Elayca Manliclic,trainee