JOHANNESBURG (AP) — Isang plague outbreak na pumatay ng 40 katao sa island nation ng Madagascar, at 119 katao na ang nasuri sa bacterial disease simula noong Agosto.

Nangangamba ang World Health Organization na maaaring mabilis na kumalat ang plague outbreak sa pinakamalaki at pinakamataong lungsod ng Antananarivo, ang kabisera ng Madagascar.

Isang national task force ang itinatag ng WHO upang pamahalaan ang outbreak, at ang proyekto ay nagkakahalaga ng $200,000.

Ang plague ay isang uri ng sakit na dala ng mga daga at ikinakalat ng flea o pulgas. Karaniwang nahahawaan ang tao kapag sila ay nakagat ng pulgas, nagdudulot ng pamamaga ng lymph nodes at minsan ay pneumonia.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente