Isa ang nasawi at dalawang iba pa ang nasugatan sa sunog sa Tanza, Cavite.

Sa ulat ng Cavite Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 12:54 kahapon ng umaga nang nagsimula ang sunog na mabilis na kumalat sa tatlong establisimyento sa Soriano Highway sa Barangay Daang Amaya 3 sa Tanza.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at bandang 2:18 ng umaga na nang tuluyang maapula.

Nasawi ang isang kinilala lang sa pangalang Felicito, alyas Bitoy, trabahador sa Yellow Gold Hardware, habang sugatan naman sina Wilson Lupig at Wilmer Lupig.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20