Ni LEONEL ABASOLA At BELLA GAMOTEA

Sa ika-12 pagdinig sa Senado hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian laban kay Vice President Jejomar C. Binay, nagpalitan ang kampo ni pangalawang pangulo at mga kritiko nito na pinangungunahan ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado ng alegasyon hinggil sa paggamit ng dummy upang maikubli ang tunay na may-ari ng ilang mamahaling condominium sa Makati City.

Ito ay matapos ihayag ni Mercado sa Senate Blue Ribbon subcommittee na si Angel Olivar ang ginamit umano ni VP Binay na dummy upang maitago sa publiko ang tunay na pagaari nito sa ilang mamahaling condominium sa Makati City noong ang huli ay nagsisilbing mayor pa ng siyudad.

“Contrary to the claims made in the Senate that Vice President Jejomar Binay is using a dummy to hide his ownership of a condominium unit at The Peak Tower, what we know is that Mr. Ernesto Mercado is the real owner of the unit,” pahayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, Vice Presidential Spokesman for Political Affairs.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi pa ni Remulla, ito ang parehong unit na tinirhan ni Racquel Ambrosio, dating live-in partner ni Mercado at anak ng namayapang komedyante na si Babalu.

Idinugtong ng gobernador na ang nasabing lokasyon din ang pinangyarihan ng insidente ng pamamaril na si Mercado ang ikinonsidera ng awtoridad na pangunahing suspek.

Noong Abril 24, 2002, namatay si Ambrosio sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan matapos ang aaway nila ni Mercado base sa report ng pulisya.

Lumitaw pa sa ulat na ang baril na ginamit sa insidente ay nakarehistro kay Mercado.