Hindi nagbigay ng deadline ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.

Sinabi Col. Allan Arrojado, Joint Task Force Sulu Commander, nagpapatuloy pa ang kanilang operasyon sa lalawigan laban sa mga bandido.

“Hindi ako magbibigay ng timetable, subalit tinitiyak namin na kaming mga militar ay sumusunod sa human rights at rule of law”, sabi ni Arrojado.

Nilinaw rin ni Arrojado na hindi maituturing na “all out war” ang operasyon ng militar sa Sulu dahil target lamang nila ang mga bandido.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20