Nananatiling Ebola-free ang Pilipinas matapos na lumitaw na hindi Ebola Virus Disease (EVD), kundi malaria, ang tumama sa isang Pinoy peacekeeper na umuwi sa bansa mula Liberia kamakailan.

Ito ang tiniyak kahapon ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) matapos ang dalawang pagsusuri na isinagawa nila sa naturang Pinoy peacekeeper.

Sinabi ni acting Health Secretary Janet Garin na matapos ang mga pagsusuri sa pasyente ay lumitaw na malaria, na dala ng kagat ng lamok, ang taglay nito at hindi Ebola.

Una nang nilagnat ang Pinoy peacekeeper na nang dumating sa bansa at agad na inihatid sa Caballo Island, kasama ang kanyang 132 kasamahan upang isailalim sa quarantine ng 21-araw upang matiyak na hindi sila nahawahan ng Ebola.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Gayunman, noong Biyernes, iniulat na nilagnat ang naturang Pinoy peackeeper, na isa sa mga sintomas ng Ebola, sanhi upang agad na ihiwalay ito sa kanyang mga kasamahan at isinailalim sa mga pagsusuri, na ayon kay Garin, ay kahalintulad ng mga ginagawang pagsusuri sa mga tinamaan ng Ebola sa ibang bansa.