BALAYAN, Batangas - Hindi nasayang ang pagtulong ng isang guro sa 12-anyos niyang estudyanteng babae na umano’y ginahasa ng sarili nitong lolo dahil matagumpay na naaresto ang matanda sa Balayan, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 2:00 ng hapon nang madakip ang suspek sa Barangay Sampaga sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando Silang ng Regional Trial Court sa Balayan.

Ang suspek ay ikaapat na most wanted sa Calaca, na roon nangyari ang panghahalay.

Ayon sa report, Setyembre 2012 nang ginahasa umano ng suspek ang dalagita at kamakailan ay muling tinangkang gahasain pero nakatakas ang biktima at nakapagsumbong sa kanyang guro.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20