SAN MATEO, Rizal - Malubhang sugatan at naospital ang isang lasing na driver matapos siyang makatulog at mahulog sa tulay na may taas na 25 talampakan sa San Mateo, Rizal, madaling araw nitong Lunes.

Ayon sa report ng San Mateo Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan at under observation sa Amang Rodriguez Memorial Hospital si Dindo Ferrer, 38, ng Barangay Ampid Uno, San Mateo, Rizal.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PO1 Paul Joseph na dakong 3:00 ng umaga nang dahil sa kalasingan ay nakatulog sa ibabaw ng Batasan Bridge si Ferrer nang magising ay bumangon at nag-inat hanggang sa nawalan ng balanse at nahulog sa tulay.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20