TATLONG taon na naging Viva artist si Anna Luna o si Jackie sa seryeng Pure Love at nakasama niya si Nadine Lustre nang bumuo ng grupo si Boss Vic del Rosario.

Pero sabi ni Anna ay hindi naman siya napansin kaya nagdesisyon siyang hindi na mag-renew ng kontrata.

Sabagay, matagal din bago napansin nang tuluyan si Nadine Lustre kaya siguro naghanap ng ibang paraan si Anna para makilala.

Taong 2010 nang mapasama si Anna sa pelikulang musical na Emir at bata pa siya noon sa edad 14. So, kumakanta pala si Anna?

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Opo, musical theater po ang background ko,” say ng dalaga na kumukuha ng filmmaking course sa College of St. Benilde. Biggest break ni Anna sa pelikula nang manalo siyang best supporting actress sa Bendor ng Cinema One Originals noong 2013 na pinagbidahan ni Vivian Velez.

“Double nominations nga po ako ro’n, kinalaban ko rin sarili ko,” nakangiting sabi ni Anna sa finale presscon ng Pure Love na magtatapos sa Biyernes, Nobyembre 14.

Big break niya ang Pure Love sa TV. Pero wala pa siyang follow-up project.

“Hindi ko pa po alam talaga, wala akong next project pa after Pure Love, sana nga po, meron.”

May tumutulong daw kay Anna pero verbal agreement lang daw at hoping siya na sana ay mapansin siya.

Si Direk Veronica “Ronnie” Velasco na dati na niyang nakatrabaho ang nagpasok kay Anna sa Pure Love.

“Nag-message po sa akin sa Facebook si Direk Ronnie at sabi po niya ire-recommend daw niya ako sa project niya kaya natuwa ako at kaagad akong nag-audition at ‘yun nga po, pictorial na kaagad. Ang bilis nga po, eh,” kuwento ng dalaga na very refreshing ang simpleng beauty.

Dalawang magkapatid lang sina Anna at parehong may kinalaman sa teatro ang mga kurso at hilig nila. Napatawa pa ang dalaga nang banggitin na ang name ng brother niya ay Antonio Luna, na kumukuha ng performing arts sa Centro Escolar University.

“Na-adopt na po siguro namin sa dad namin kasi theater actor siya, si Rommel Luna po, so iyon po ang background ko. ‘Tapos nu’ng magkita kami ng co-actors ko sa theater, niloloko nila ako kung artista na talaga ako, sabi ko hindi ko ma-feel pa. Saka malaki po ang pagkakaiba.

“Sa totoo lang, nahihirapan po ako sa Pure Love, siguro nag-a-adjust pa kasi ako dito, sa stage po kasi gamay ko na,” kuwento ni Anna na sana ay bigyan uli ng projects ng ABS-CBN.

(Editor’s note: Nang interbyuhin namin ni Reggee si Anna Luna, biglang parang gusto ko nang maging talent manager. Maganda ang rehistro niya sa screen at mas maganda siya sa personal. At mabait na, intelligent pa. Sana ay magtagal pa siya sa industriya.)