MACALELON, Quezon – Dinakip ng pulisya at militar ang limang katao na nagtangkang magbiyahe ng mga hindi dokumentadong coconut lumber na lulan sa isang closed van habang bumibiyahe sa Barangay Taguin sa Macalelon, Quezon, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Macalelon Police ang mga naaresto na sina Alquen Zarsuelo Cabuyao, 26, may asawa, driver, ng Bgy. Ibabang Palale, Tayabas City; Christian Millanes Caagbay, 31, may asawa, helper, ng Bgy. Ilayang Palale, Tayabas City; Joedel Paden Obdianela, 19, binata, helper, ng Bgy. Lawigi, Tayabas City; Bernard Etcubanas Marasigan, 32, may asawa, helper; at Mark John Mepiraque Briones, 18, binata, helper, kapwa ng Bgy. Talaba sa Atimonan.

Ayon sa report, lulan sa van (RML-561) ang 2,000 board feet ng coco lumbers. - Danny J. Estacio
Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon