CAMP TOLENTINO, Bataan— Apat katao na sangkot sa cybersex operation ang nadakip nang salakayin ng mga awtoridad ang hideout ng mga ito sa Brangay. Pentor, Dinalupihan, Bataan.

Sa ulat mula sa kampong ito, dinakip sa bisa ng search warrant na inilabas ni Presiding Judge Emmanuel A. Silva ng RTC Mariveles, Bataan sina Ceasar Dampil, 53; Jeffrey Arellano, 20; Rigor Mallari, 21, at Nathaniel Dampil, 18, pawang residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, nahuli sa akto ang mga suspek na illegal na nagbebenta ng mga web link, nagsasagawa ng cybersex at extortion. Nakumpiska sa kanila ang tatlong computer set, tatlong USB flash drive, dalawang speaker at AVR, isang modem, webcam, sim card, switch at iba’t ibang uri ng mga kable. - Ronald Supnad
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso