Laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

2pm -- Generika vs Foton (W)

4 pm -- RC Cola vs Petron (W)

6 pm -- Cignal vs Maybank (M)

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Muling masusubukan ang ‘di matatawarang firepower at defensive strategy ng Petron sa pagharap nila ngayon sa RC Cola-Air Force sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Matapos ang nakalululang panimula mula sa halos isang linggong pagbabakasyon, target ng Blaze Spikers ang kanilang ikaapat na sunod na panalo kontra sa beteranong Raiders sa ganap na alas-4:00 ng hapon matapos ang pagtutuos ng wala pang panalo na Generika at Foton sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa women’s division sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng SportsCore katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners. Ang event ay kaagapay din ng Solar Sports bilang kanilang TV partner.

Sa kabilang dako, target naman ng Cignal na kamkamin agad ang maagang kalamangan sa pagharap sa unang paglalaro ng Maybank sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa men’s side.

Pinamunuan ng napakagandang tambalan nina American hitter Alaina Bergsma at Brazilian setter Erica Adachi, ikinasa ng Blaze Spikers ang napakagaan na straight-set victory kontra sa erstwhile leader na Cignal, 25-17, 25-20, 25-23, noong nakaraang linggo, pinatunayan lamang na handa silang kubrahin ang titulo matapos na sumadsad noong nakaraang kumperensiya.

Taglay ni Bergsma, ang dating skipper ng Oregon Ducks sa US NCAA at tinanghal na Miss Photogenic sa Miss USA, kagandahan, skills at power kung saan ay naideliber nito ang 20 kills upang tumapos na mayroong 23 puntos sa isang all-out display ng volleyball brilliance laban sa HD Spikers.

Ang kanyang katambal, si Adachi, ay isa ring malaking tulong pagdating sa korte, na sumiguro upang maisakatuparan nina local spikers Dindin Santiago at Carmina Aganon ang kanilang skills sa kabuuan ng laro upang mapanatili rin ang matinding depensa.

Ngunit kakaibang istorya ang mangyayari ngayon sa pagmartsa laban sa RC Cola-Air Force- ang seasoned squad na muntik nang hablutin ang titulo noong nakaraang conference.

“We’ll be ready, that’s for sure,” saad ni Petron coach George Pascua. “We used the long break to study their plays and come up with an offensive scheme that will foil their defense. RC Cola is a veteran team. I’m sure they will also be ready against us.”

Matapos sumadsad sa kanilang opening game sa Cignal, ‘di na napigilan ang Raiders kung saan ay naiposte ang kumbinsidong panalo kontra sa Foton at Generika na dito ay ipinamalas ni American reinforcements Emily Brown at Bonita Wise ang kanilang dominanteng paglalaro sa loob ng korte.

Laban sa Life Savers sa Sto. Domingo, Ilocos Sur, naipagkaloob ni Brown ang 19 kills at 2 blocks para sa kabuuang 22 puntos habang nag-ambag si Joy Cases ng 17 kills, 2 aces at 2 blocks para sa kanyang 21 puntos kung saan ay nahadlangan nila ang well-balanced attack ng Raiders. Minanduhan naman ni Wise ang depensa na dito ay kinuha ng RC Cola-Air Force ang bentahe bagamat wala sa kanilang hanay si Michelle Gumabao at head coach Ramil de Jesus.

“Our previous game only proves that we are slowly getting our acts together,” pahayag ni RC Cola-Air Force coach Rhovyl Verayo, humalili muna kay Clarence Esteban ilang araw bago magsimula ang torneo.

“A win over Petron will be very important because it will not only improve our standings, but will also give us the momentum we need. We are planning to go all out against them.”

Inaasahang magbibigay din ng atensiyon ang curtain-raiser sa pagitan ng Generika at Foton.

Kapwa natikman ang maagang pares ng setbacks, target ng Life Savers at Tornadoes na maipakita na ang kanilang matinding pag-atake upang maipako ang kanilang unang panalo at manatiling nasa kontensiyon pa.