TOKYO (AP)— Sinabi ni Foreign Minister Fumio Kishida ng Japan na mahigit 200 bangkang Chinese na hinihinalang nagnanakaw ng mga red coral ang naispatan noong nakaraang Huwebes malapit sa mainland ng Japan, at limang poaching-related arrests na ang nagawa ng mga Japanese simula noong Setyembre.

Ang mga bangka ay unang nakita noong kalagitnaan ng Setyembre malapit sa Ogasawara islets ng Japan, may1,800 kilometero sa timog ng Tokyo Bay. Simula noon, lumipat na ang mga ito sa isang lugar malapit sa mas mataong Izu islets, 440 kilometro sa timog. Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng isla na posibleng tangkain nang mga ito na dumaong, ayon sa Japanese media, kapag may paparating na bagyo.

Hinimok ni Kishida ang China na magsagawa ng “effective measures” para tugunan ang isyu.

Ang red coral, popular na jewelry at ornamental items, ay mabibili sa mataas na presyo sa China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists