Humabol sa Undas ang paghihinagpis ng pamilya ng isang taong gulang na babae na nalunod makaraang mahulog sa canal ng National Irrigation Administration (NIA) sa Norala, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Norala Police ang biktimang si Althea Marie Baylon, ng Barangay Dumaguil, Norala, South Cotabato.

Sa salaysay ng ina ng biktima sa pulisya, iniwan niya ang anak sa loob ng kanilang bahay upang magluto sa kusina, ngunit nang bumalik siya makaraan ang ilang minuto ay wala na ito sa bahay.

Agad na pinaghanap ang bata at makalipas ang mahigit isang oras ay natagpuan itong nakalutang sa NIA canal sa hangganan ng Purok Garrido sa Bgy. Dumaguil sa Norala at Bgy. New Passi ng Tacurong City, Sultan Kudarat.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget