Ni KRIS BAYOS

Nagbabala kahapon sa gobyerno ang mga taxi at rent-a-car operator laban sa pagpapahintulot na maging lehitimo ang pamamasada ng mga pribadong sasakyan, sinabing lalo lang nitong mapeperhuwisyo ang magulo na ngayong sitwasyon ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Sinabi ni Atty. Bong Suntay, ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA), na ang pagpapahintulot sa mga pribadong sasakyan na magsakay ng pasahero kapalit ng karampatang halaga ay magiging “unfair” para sa mga lehitimong operator ng taxi at rent-a-car.

“From the start we have always stated that we don’t mind additional competition from other transport service providers such as Uber but they should compete under a level playing field by using only franchised vehicles if they wish to ferry passengers for a fee,” ani Suntay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang ang pagharang sa isang pribadong Toyota Fortuner na nagsakay gamit ang Uber transport app ay nag-ugat sa reklamo ng PNTOA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Hinuli ang pribadong motorista sa pag-o-operate ng sasakyang colorum.

Nagpapatuloy pa ang adjudication process pero kapag napatunayang nagkasala, pagmumultahin siya ng hanggang P200,000 at tatlong buwang ii-impound ang kanyang sasakyan.