Kasabay nang pagdiriwang ng Undas ngayong weekend, isinailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang lahat ng mga ospital nito at Centers for Health Development sa buong bansa.

Magsisimula ang pagpapatupad ng alerto ngayong Biyernes, Oktubre 31 hanggang sa Lunes, Nobyembre 3, bilang paghahanda sa anumang pangyayari o mga health-related incidents na maaaring maganap.

Ayon kay Acting Secretary Janette Loreto-Garin, ang Code White Alert ay idinideklara sa tuwing nagkakaroon ng mass gathering o national event, kung kailan may posibilidad na magkaroon ng mga emergency conditions na nangangailangan ng agarang medical attention.

Sa ilalim ng Code White, dapat na handang-handa ang lahat ng hospital manpower tulad ng mga general at orthopedic surgeon, anesthesiologist, internist, operating room nurses, ophthalmologist, at otorhinolaryngologist, upang rumesponde sa anumang emergency situation.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakaantabay din ang mga medical team para sa agarang mobilisasyon kung kinakailangan.

Ang mga emergency service, nursing at administrative personnel naman na nakatira sa hospital dormitory ay naka-on-call status para sa agarang mobilisasyon habang ang Health Emergency Management Staff operations center ay naka-24-hour duty upang mag- monitor ng anumang health-related events.