ISULAN, Sultan Kudarat –- Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa kalye ng Daang Gutierrez sa Barangay. Rosary Heights 9, Cotabato City.

Ayon sa pulisya dakong 4:00 ng hapon naganap ang insidente na kapwa namatay ang suspek at ang biktima nito.

Base sa imbestigasyon, hinihintay ng biktima na si Kalim Dayato, 44, na matapos ang kaibigan niya sa pagbabayad sa isang sanglaan nang biglang lumapit ang suspek na si Unsing Canda Kalipapa, 35, at agad siyang binaril.

Dali-daling tumakas ang suspek nang siya namang bungad ng ilang miyembro ng sundalo at agad siyang pinaputukan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. - Leo P. Diaz

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod