Sakaling dumulog sa Department of Justice (DoJ), handa si Justice Secretary Leila de Lima na paimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkalat ng diumano’y sex photos ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at ng kanyang kalaguyo.

Ayon kay De Lima, posibleng ang Cybercrime Division ang humawak sa kaso para matunton kung sino ang nag-upload sa Internet ng mga litrato.

Pero paglilinaw ng kalihim, wala pa naman siyang natatanggap na pormal na kahilingan mula sa kampo ng gobernador o ng sinuman sa mga indibidwal na sangkot sa isyu.

Nilinaw pa ni de Lima na hangga’t walang pormal na kahilingan, hindi siya magbibigay ng komento hinggil sa nasabing eskandalo.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon