Walang dahilan para mahirapan ang publiko na bibiyahe papunta sa kani-kanilang probinsya para gunitain ang Undas.

Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng kumpirmasyon na hindi mahihirapan ang mga mananakay dahil sapat ang mga bus na sasakyan.

Ayon sa LTFRB, nagpalabas na sila ng 1,000 special bus permit para sa karagdagang biyahe simula kahapon hanggang sa Sabado.

Sinimulan na rin kahapon ang inspection sa mga bus terminals para siguruhing ang lahat ng bus na bibiyahe ay may kaukulang permit at prangkisa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maliban dito, kailangan din nasa magandang kondisyon ang mga bus, lalo na ang mga mabibigyan ng special permit para ligtas itong sakyan.

Simula noong Martes, pinayagan na rin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa underpass ng Aurora Boulevard, P. Tuazon at Shaw sa EDSA para mapabilis ang biyahe.

Itinaas na rin ng Philippine coast guard (PCG) ang seguridad sa mga pantalan at inabisuhan ang mga pasahero na pumunta na sa pantalan tatlong oras bago bibiyahe para hindi sila mahuli sa sasakyang barko.

Mahigpit na ipinagbabawal ng coast guard ang pagdadala ng mga flamable at corrosive substances kagaya ng kerosene, posporo, pintura, lighter at paint thinner para makaiwas sa abala.

Batay sa monitoring ng LTFRB, fully booked na ang halos lahat ng mga bus company na bibiyahe simula noong Martes hanggang weekend.