CAUAYAN CITY, Isabela – Tiniyak ng isang opisyal ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MRIIS) na sapat ang supply ng patubig sa mga taniman sa kabila ng banta ng El Nino na inaasahang magsisimula ngayong buwan.
“Nakapag-imbak ang Magat Dam reservoir ng sapat para maibigay ang kinakailangang patubig sa cropping season,” sabi ni Engr. Mariano Dancel, operations manager ng NIA-MRIIS.
Sinabing nasa normal level na 183 metro na ang tubig sa dam, idinagdag niyang sasapat din ang supply sa Isabela at Quirino kahit pa hindi umulan sa mga susunod na buwan. (Liezle Basa Iñigo)