TATANGGAPIN ni Liam Neeson ang halos lahat ng papel basta maganda ang bayad.

Kinagigiliwan ng mga manonood ang bituin sa kanyang pagganap bilang badass father-on-a-mission na si Bryan Mills sa Taken franchise.

Simula noon, lumabas siya sa mga katulad na action-heavy flicks gaya ng aeroplane-based thriller na Non-Stop at ang crime drama na A Walk Among the Tombstones. Batid man niya na maaari siyang ma-typecast, madalas namang nababago ng mataas na sahod ang kanyang isip.

“My agent will suggest something and I’ll be outraged and exclaim, ‘No!’ Then he’ll tell me how much I get for the role. And I’ll do it,” natatawang sabi niya sa German magazine na TV Movie.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Sa edad na 62, hindi mo iisiping magiging action hero si Liam. Ngunit nagpapasalamat siya na patuloy siyang nagtatrabahao at inaalok ng mga ganitong papel.

“It’s a luxury I’m still working at this age,” ngiti niya. “The hero in action movies is usually mid-30s. I’ll send those scripts straight back, but a week later I’ll get a new one through and the main character is suddenly in his mid-50s.”

Ipapalabas ang Taken 3 ni Liam sa susunod na taon at mapapanood din siya sa crime drama na Run All Night at sa fantasy na A Monster Calls, na ipalalabas sa 2015 at 2016, ayon sa pagkakasunod.

Tila napakaraming trabaho nito para father-of-two, pero hindi siya napapagod.

“I feel good and do my press-ups every day,” aniya. “All the fight scenes and punch ups I do myself. But a stuntman does any jumps through windows.” - Cover Media