Tila ‘di na mapipigilan ang University Santo Tomas (UST) upang mapanatili ang UAAP General Championship sa Season 77 ngunit may balakid pa sa kanilang daan kung saan ay mayroon lamang na five-point lead ang reigning seniors titlist De La Salle University (DLSU) sa pagtatapos ng aksiyon sa unang semestre.

Umasa sa mga panalo sa women’s beach volleyball, men’s taekwondo at men’s at women’s judo, kumolekta na ang Growling Tigers ng 152 puntos.

Pumangalawa ang UST, ang may pinakamaraming numero sa seniors overall crowns na taglay ang 39, sa men’s beach volleyball at sinunggaban ang third-placed trophies sa women’s taekwondo at poomsae at men’s swimming at table tennis.

Ikinadismaya naman ng Tigers ang pagpapakita sa men’s basketball kung saan ay tumapos lamang sila na nasa ikaanim matapos ang magkakasunod na runner-up finishes sa huling dalawang seasons.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bagamat naunsiyami upang idepensa ang kanilang mga titulo sa ilang sports, sumunod ang Green Archers sa anino ng Tigers na kaakibat ang 147 puntos. Winalis ng Taft-based student athletes ang men’s at women’s table tennis titles sa first semester.

Tumapos ang De La Salle sa ikalawa sa women’s beach volleyball, taekwondo at poomsae at sa men’s badminton at pumangatlo sa men’s basketball at women’s basketball at swimming.

Pumangatlo ang University of the Philippines (UP) sa ikatlong spot na mayroong 130 puntos matapos na pamunuan ang women’s taekwondo at badminton at poomsae events. Ang Fighting Maroons ay No. 2 sa men’s at women’s table tennis at men’s at women’s swimming. Pumangatlo naman sila sa men’s judo.

Kaagapay ang pagwalis sa men’s at women’s swimming titles, umusad ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa ikaapat sa naiposteng 114 puntos. Ibinulsa ng Blue Eagles ang second-placed trophies sa women’s badminton at men’s at women’s judo, habang ang kanilang men’s badminton team ang kumubra ng third place.

Taglay ang kanilang unang semester stint sa pagtapos sa kanilang napakahabang 60-year title drought sa men’s basketball, umakyat ang National University (NU) sa ikalimang puwesto matapos maitala ang 99 puntos. Habang ang kanilang sports program ay umaangat, napagwagian din ng Bulldogs ang mga titulo sa women’s basketball, men’s badminton at beach volleyball, habang napasakamay ang breakthrough third-place finish sa men’s taekwondo.

Sa sixth place na mayroong 91 puntos, nagkasya lamang ang Far Eastern University (FEU) sa runner-up honors sa men’s at women’s basketball at No. 3 sa women’s badminton at table tennis.

Pumasok ang season host University of the East (UE) sa ikapitong puwesto na taglay ang 66 puntos na kinapalooban ng sorpresang second-place finish sa men’s taekwondo at third-place trophy sa women’s judo, habang kinubra ng Adamson University (AdU) ang 53 puntos na may podium finishes sa women’s at men’s beach volleyball.

Iginawad ng UAAP ang 15 puntos para sa champion team, 12 puntos sa ikalawang puwesto, 10 para sa ikatlo, 8 sa ikaapat, 6 sa ikalima, 4 sa ikaanim, 2 sa ikapito at 1 sa ikawalo.

Magsisimula ang second semester action sa Nobyembre 22 kung saan ang volleyball competitions ay papalo sa Mall of Asia Arena na dito ay target naman ng UST na mas mapalakas ang kanilang performance matapos ang mababang showing sa dalawang nakaraang seasons.