Oktubre 27, 1553 nang ang isa sa mga unang Unitarian na si Michael Servetus, isang Espanyol, ay sinilaban sa labas ng Geneva, Switzerland dahil sa pagiging erehe at pagpapahayag ng kabulastugan. Habang nagdurusa sa unti-unting pagkatupok, paulit-ulit siyang tumawag kay Jesus, na tinawag niyang Anak ng Makapangyarihang Diyos.
Noong 1531, inilathala niya ang “Errors of the Trinity,” nang sinabi niya na ang mga Trinitarian Christian kundi “naniniwala sa tatlong diyos” ay “atheist” naman. Noong 1553, palihim niyang inilathala ang “The Restitution on Christianity,” na nagsasaad ng mga argumento na tumatanggi sa Trinity Doctrine. Sinabi rin niyang ang pananampalataya at ang mabuting asal ay mahalaga para sa kaligtasan ng isang tao.