Kung halos naging napakalapit ng suwerte para kay coach Boyet Fernandez sa mga pinanggalingang mga liga na National Collegiate Athletics Association (NCAA) at PBA Developmental League, mukhang nakatakda siyang dumanas ng hirap at pagtitiis bago makamit ang naging tatak na champion coach sa kanyang pagbabalik sa big league na PBA.

Ito ang katotohanang hindi naman lingid sa dating Sta. Lucia Realty coach na si Fernandez na ngayo’y nagbabalik bilang head coach ng bagong koponan na NLEX Road Warriors.

Halos dalawang araw pa lamang ang nakalilipas, matapos niyang makumpleto ang paggabay sa San Beda College (SBC) sa isang 5-peat championships sa NCAA, nakatikim si Fernandez ng 22-puntos na kabiguan sa kamay ng kanilang sister-team na Talk ‘N Text Tropang Texters noong nakaraang Biyernes sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ngunit hindi naman siya nahiyang aminin at akuin ang nasabing kabiguan sa harap ng kanyang mga manlalaro.

'Opo, lumindol!' DOST-Batangas nag-sorry sa naging paraan ng earthquake updates

“I told the boys, this loss is on me, they have nothing to be ashamed of,” pahayag ni Fernandez na huling nagmando sa PBA noong 2010 sa na-disband na Realtors kung saan ay manlalaro niya noon ang ngayo’y player ng Tropang Texters na sina Kelly Williams at Ryan Reyes.

Ayon kay Fernandz, inaasahan niya na pagpapasensiyahan siya ng management ng NLEX kung hindi nito agad na mabibitbit ang kanilang nasimulang winning tradition sa D-League kung saan ay humakot ang Road Warriors ng anim na kampeonato.

“I signed a longer contract with NLEX, I hope management will be patient with me. I know I have won championships, but it’s a different league right now with the PBA because the players are different. They’re really quick,” ani Fernandez.

“Before, I had Marlou (Aquino) and Dennis (Espino) at the post, but right now, we’re playing against Kelly who was my player before and Ryan Reyes. Malaki na ang pinagkaiba ng PBA. So many things to learn for now, pero dahan-dahan lang, makukuha ko rin.”

Naniniwala naman si Fernandez na darating din ang panahon na magsisimula na silang magtala ng tagumpay bilang isang buong koponan.

“I have veteran (players) helping me, like Asi (Taulava), Rico (Villanueva) and Wynne (Arboleda). Kakayanin namin, but it will take time,” pagtatapos nito.