NEW YORK (AP) — Isang emergency room doctor na kababalik lamang sa lungsod matapos manggamot ng mga pasyente ng Ebola sa West Africa ang nasuring positibo sa virus, ang unang kaso sa lungsod at ikaapat sa United States.
Hinimok ni Mayor Bill de Blasio at Gov. Andrew Cuomo noong Huwebes ang mga residente na huwag maalarma sa Ebola diagnosis ng doktor, at sinabing ang lahat ng opisyal ng lungsod ay sumusunod sa “clear and strong” protocols sa pagaasikaso at paggamot sa pasyente.
Si Dr. Craig Spencer, miyembro ng Doctors Without Borders na nagtatrabaho sa Guinea, ay bumalik anim na araw na ang nakalipas at iniulat noong Huwebes ng umaga na mayroong lagnat na umaabot sa 103-degree at diarrhea.
Ginagamot siya ngayon sa isang isolation ward sa Bellevue Hospital sa Manhattan, ang itinalagang Ebola center.