Isinusulong ngayon sa Kongreso ang pagpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa iba pang uri ng illegal na sugal na hindi saklaw ng Republic Act No. 9827 (An Act increasing penalties for illegal numbers games, amending certain provisions of Presidential Decree No. 1602, and for other purposes).

Nilalayon ni Rep. Sherwin T. Gatchalian (1st District, Valenzuela City), may-akda ng HB 4661, na maisama sa saklaw ng RA 9872 ang iba pang mga ilegal na sugal gaya ng operasyon ng sakla, Jai-Alai, dice, panggingge, mahjong, domino at iba pang bookie operations na gumagamit ng plastic tiles gaya ng dog raising, boat raising, car racing at iba pang uri ng karera.

Ang parusa ay mula sa 30 araw hanggang 20 taong pagkakabilanggo depende sa bigat ng pagkakasala. Kapag ang nahuling sangkot sa operasyon ng illegal na sugal ay empleado o opisyal ng pamahalaan, siya ay papatawan ng 12 taong pagkakakulong at multang P3 milyon hanggang P5 milyon at habambuhay na hindi makakapagtrabaho sa gobyerno.

Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol