Kinasuhan ng graft ng Environmental Ombudsman si Pangasinan Governor Amado Espino kaugnay ng talamak na illegal black sand mining sa Lingayen Gulf.

Bukod kay Espino, sinampahan din ng two counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) Provincial Administrator Rafael Baraan, kasama sina Cynthia Camara at Lolita Bolayog ng Alexandra Mining and Oil Ventures, Inc (Alexandra Mining).

Kahalintulad din na kaso ang iniharap laban kina Pangasinan Housing and Urban Development Coordinating Officer Alvin Bigay, Alexandra Mining Directors Cesar Detera, Edwin Alcazar, Denise Ann Sia Kho Po, Annlyn Detera, Glenn Subia, Emiliano Buenavista at Michael Ramirez, Gina Alcazar at Avery Pujol ng Xypher Builders, Inc.

Idinahilan din ng Environmental Ombudsman na pumalit si Espino bilang gobernador noong Huinyo 2007, inilatag umano nito ang site development plan na gagawa ng lugar para sa eco-tourism complex sa pagde-develop ng dalawang 18-hole golf course na mayroong international standards.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Isa rin umanong kontrata sa pagitan ng local government at Alexandra Mining kaugnay sa soil remediation ang isinagawa sa Barangay Sabangan bilang pilot area.

Matatandaan noong Hunyo 29, 2011, isang Small-Scale Mining Permit (SSMP) ang ibinigay sa Alexandra Mining at pagkatapos ng tatlong linggo, nag-isyu si Baraan ng isang notice of cancellation sa SSMP at inutusan ang Alexandra Mining na umalis sa lugar.

Sinabi pa sa reklamo, sa pamamagitan ng isang Joint Resolution, ang Presidential Proclamation No. 1258 noong 1998 na nagdedeklara na ang Lingayen Gulf ay isang environmentally-critical area at pinalawak ang sakop ng protected area kabilang na ang Barangay Sabangan, Estanza, Malimpuec at Capandanan na nagre-reserve ng protected area ng 184 hectare para sa eco-tourism at iba pang sustainable development activities at proyekto.