Oktubre 22, 1978 nang si Karol Joseph Wojtyla (1920-2005), na isinilang sa Wadowice, Poland, ay kinilala bilang Pope John Paul II sa Vatican City. Nahalal siya bilang unang non- Italian na Papa pagkalipas ng 455 taon dakong 6:18 ng hapon, oras dito sa Pilipinas.

Sa kanyang pagpapakilala, sinabi niya sa mundo na, “Be not afraid.” Buong puso niyang tinanggap ang iba pang relihiyon, at hinimok ang mga Katoliko na ipagdasal siya.

Ang kanyang pamamahala ay ang ikatlong pinakamahaba sa kasaysayan ng simbahan, na tumagal ng 9,664 na araw. Siya ang namuno sa Marian Year noong 1988, at Great Jubilee of the Year 2000, nang sinariwa ang kapanganakan ni Hesukristo makalipas ang 2,000 taon. Kinilala rin siyang most-travelled pope, at nagdeklara sa 482 na santo sa 51 seremonya, at 1,342 pagbabasbas sa 147 seremonya.

Pumanaw siya noong Abril 2, 2005 at idineklarang santo ni Pope Francis noong Abril 27, 2014.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina