Ni JC BELLO RUiZ

Binansagan ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay sila Senator Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes IV bilang mga “puppet” ni Department of Interior and Local Government (DILG) sa isinusulong na imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga umano’y katiwalian sa Makati City dahil sa planong pagtakbo ng huli sa 2016 elections.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, tapagpagsalita ni Binay sa usaping pulitikal, ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtanggi ng bise presidente na humarap sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee.

“He (Binay) respects the institution but thinks Trillanes and Cayetano are puppets of Mar,” pahayag ni Remulla sa text message.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ng gobernador na bahagi sina Cayetano at Trillanes ng isang conspiracy na siraan ang pagkatao ni Binay kung saan ang mastermind umano si Roxas.

Nang tanungin kung ano ang posibleng “premyo” ni Cayetano sa pagpapagamit kay Roxas, sinabi na kung manalo si Mar sa 2016: “Cayetano gets to keep Taguig. They lost the case against Makati. The CBD (Central Business District) is now Makati’s as per the Court of Appeals.”

Samantala, si Trillanes ay inihahanda na sa posisyon ng kalihim ng Department of National Defense (DND) sakaling makaupo si Roxas sa Malacañang, ayon pa kay Remulla.