Oktubre 21, 1824 nang tanggapin ng British inventor at stone mason na si Joseph Aspdin (1778-1855) ang British Patent No. 5022 sa kanyang paraan ng paggawa ng Portland cement. Ang pangalan ay hinango sa kulay ng sedimentary rock na Portland limestone, na kinukuha mula sa Isle of Portland.

Upang magawa ang unang semento, pinulbos niya ang sapat na dami ng kinudkod na materyal sa daan na nagtataglay ng oolitic limestone at idinaan sa thermal process. Kasunod ay inihalo ang produkto nito sa luwad, tubig at pinatuyo. Hinati ang mixture niluto, pinalamig at muling pinulbos.

Binago ng imbensiyon ang modernong teknolohiya ng konstruksiyon. Ang Portland cement ay inihahalo sa 95 porsiyento ng lahat ng hydraulic cement sa United States.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands