Mas pinadali at mas pinabilis na ng Manila Water ang pagbabayad ng water bills ng 6.3 milyong kostumer nito sa silangang konsesyunaryo.

Bilang pinakabagong payment facility partner ng Manila Water, maaari nang makapagbayad ng water bill sa alinmang sangay ng Cebuana Lhuillier.

Ayon kay Manila Water East Zone Business Operations Group Director Ferdinand Dela Cruz, patuloy na naghahatid ng serbisyo-publiko at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga kostumer nito ang Manila Water.

Nilinaw ni Dela Cruz na dahil dito, hindi lamang current bills ngunit maging ang outstanding bills ay maaari nang bayaran sa lahat ng sangay ng nasabing payment facility partner ng Manila Water.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University