Magtutungo sa South Korea sa Disyembre ang nag-kampeon sa Philippine National crossfire tournament na Macta Infirma at at tatangkaing masungkit sa torneo ang tumataginting na first prize na US$50,000 o P2 milyon.

Ito ay ayon kay Rene Parada ng GBPlay Inc., makaraan ang isa na namang matagumpay na pagdaraos ng taunang crossfire tournament ginanap sa SM City North EDSA kamakalawa at nilahukan ng 8 walong koponan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ang Macta Infirma ang koponang nagwagi mula sa National Capital Region.

Tumanggap ng prize money na $5,000 Macta Infirma na binubuo ng crossfire stars na sina Mark Kervin Chan, Aldrin Paul Rolabon, Christian Amores at Deniis Ramos Jr., pawang mga taga-Quezon City.

Pumangalawa ang MSI e JoGT para sa premyong $3,000, habang pumangatlo naman ang koponan mula Cebu na NXAI para sa premyong $2,000.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Parada, kakatawanin ng Macta Infirma ang Pilipinas sa international crossfire tournament sa South Korea na lalahukan din ng Vietnam, China, Japan, United States at ilang koponan mula sa Europe.

Inamin naman ni Chan na naapektuhan ang kanyang pag-aaral dahil sa ginawang paghahanda sa torneo ngunit naging sulit naman ang kanyang sakripisyo dahil sa kanilang pagkakasungkit sa kampeonato at aniya’y mas pagbubutihin pa nila ang pagsasanay upang maiangat ang bandera ng Pilipinas sa South Korea.

Ang naturang crossfire tournament sa internet ay handog ng CFS 2014 sa pakikipagtulungan ng Smilegate entertainment at mga kawani ng media. (Jun Fabon)