HONOLULU (AP) — Isang Japan Airlines flight ang napilitang bumalik sa Honolulu matapos isang lalaki ang inabuso ang isang babaeng pasahero sa loob ng palikuran ng eroplano, sinabi ng FBI.

Inaresto ng FBI agents si Michael Tanouye, 29, ng Hilo, Hawaii, noong Sbado ng gabi sa Honolulu International Airport sa kasong interfering with a flight crew at aggravated sexual assault aboard an aircraft. Ang kasong sexual assault ay may maximum na sentensiyang habambuhay na pagkakakulong

Ang flight ay patungong Kansai International Airport nang puwersahang pinasok ni Tanouye ang babae sa palikuran at sekswal na inatake.

Habang nilalabanan ng babae si Tanouye ay nagawa niyang pindutin ang emergency button kaya’t sumakolo ang kanyang ina, ang mga flight attendant at iba pang mga pasahero. Pinilit nilang buksan ang pintuan ng lavatory ngunit hinarangan ito ni Tanouye kaya binaklas nila ito. Isang lalaking pasahero ang nasugatan sa pag-awat kay Tanouye, na ayon sa kanyang ina ay dumaranas ng depression.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20