CAOAYAN, Ilocos Sur – Nag-alok ang dating gobernador na si Luis “Chavit” Singson ng P1 milyon pabuya sa sinumang makapagtuturo at makapagpapatunay na may nagmimina ng black sand sa dalampasigan ng lalawigan.

“Magbibigay ako ng P1 milyon pabuya sa sinumang makapagpapatunay na mayroon pa ring black sand mining operation dito, partikular sa Abra River,” sinabi ni Singson nang kapanayamin sa telepono noong Linggo.

Ito ang naging hamon ni Singson dahil sa aniya’y patuloy na paninira ng kanyang mga kalaban sa pulitika na nagbibigay ng maling impormasyon sa publiko laban sa kanyang mga anak, sina incumbent Gov. Ryan Singson at 1st District Rep. Ronald Singson.- Mar T. Supnad

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists